Lyrics has been copied to clipboard!
Lyrics of Dedma (with Julie Anne San Jose) by ABRA
Julie Anne San Jose & Abra I Dedma I Official Music Video
ABRA
"Dedma (with Julie Anne San Jose)"
Bakit hindi ko maintindihan? Ha! Sino ba at nasaan? Ha!
Ano siya anito? superhero? Tagarito ba o baka taga buwan!
Ano ba yan! gawa-gawa lng ba ng tao? o kabaliktaran tulad ni Adan?
Yung totoo di mo alam ayaw maki-alam o wala ka lang paki-alam...
Andami ng namamatay, pumapatay, nagpapakamatay at nabubuhay sa mali...
Mga bata'y nadadamay sa mga away... Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin..
Puro pa gera, dulot ng pera, nakakalungkot ba't ka ubod ng DEDMA?
Punyeta! Retreat sa kweba oras na ma-sodom at gomorrah tong buong planeta, teka!
Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.
Pa'no kung walang kabilang buhay? Pa'no niyo kami matutubos?
Paano kung wala paring patunay at yun ay kasi wala naman talagang diyos...
Na bwakaw magpasamba kung ayaw mo daw mananalanta pero ganun parin naman kahit magdasal ka.
Tingnan mo deuteronomio kung mapagmahal siya nasa'n na ba kasi yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema mga pruweba ng primitibong siyensya!
Mahirap tanggapin na para ding penitensya! Sentensiya!
Sa mga mapang-abuso kontrolado utak kapagka hawak ang puso punto,
Sa'n patungo ang relihiyon? Sa katapusan ba ng mundo o sa panginoon bakit gano'n?
Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.
...
Minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat na siyang kay hirap tanggapin at kahit iisa ang kinikilalang diyos ama ang tanong,
bakit yata parang dedma yung iba?
Nasaan!? Nasaan ang kaligtasan? Kapag naghiganti na si inang kalikasan?
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal halik ni kamatayan sa ng kabihasnan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan? Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan? O kathang-isip lamang ng takot sa kawalan?
Kailangan ko ng bendisyon, maliwanagan parang si Thomas Edison kahit mabusisi
Alam ko sa sarili ko, di ko kayo kinekwestiyo, malayang desisyon...
Kasi imposibleng inimbento ka lang sino ang arkitekto? Sikreto nalang...
Perpekto lahat tao disenyo pa lang ang tanong. bakit ganon? Yan ang pala isipan!
Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.