Lyrics has been copied to clipboard!
Isang Araw - Gloc-9
Lyrics of Isang Araw by Gloc-9
Biyernes ng umaga
Paggising ko pasok sa 'skwela
Nalilito, may exam ngayon
Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon
Para makakuha ng sagot
Kapag bumagsak, ako'y malalagot
Kay Ermat, Erpat, sipa, tadyak
Ilabas ang kodiko, baka makalusot
Sa teacher kong apat ang mata
Nakasalaming kasing kapal ng tabla
Palakad-lakad, lapad lapad
Buti na lamang ako nama'y nakapasa
Kung hindi mapipilitan nanaman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayare
Katulad ng minsan ako ay nag biyahe
At nakilala tong malupit na babae
Sa may QC pangalan ay Debbie
Nag-aabang sya ng taxi
Tinitigan ko sya ng mata sa mata
Sinabi kong you look lonely
Do you wanna go somewhere, plak!
Nagka-bituin ang aking paningin
Bumakat ang kanyang kamay sa 'king mukha
Pagkatapos akong sampalin
Pero ngumiti s'ya
May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan
Kaya binigay nyang kanyang calling card sa 'kin
Na animo'y parang humahalik sa hangin
Kaso lang, napagkamakalan kong calling card nya na ticket ng bus
Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice
Sinubukan kong hanapin don sa may Sta. Cruz
At baka sakali na ang landas namin ay mag krus
Kaya pumasok ako sa isang eskinita
At tinanong ang kauna-unahan na nakita
Dahil baka sakaling kanyang nakikilala
Ang babaeng animo sa 'kin ay isang diwata
Manong, nakikilala n'yo pa ba sino ba 'yon
Ano nga bang pangalan nya, teka, Girlie ba 'yon
Oo, kanina pa naghihintay sa 'yo doon
Lapitan mo, hayon nakaupo sa may balon
Eto ba sya, bakit parang hindi yata ito
Maganda sya kaya sige, napasubo ako
Teka lang, teka muna, ako'y litung-lito
Nangyayari lang 'to sa mga guni-guni ko
Na para bang nagmamaneho ng isang bagung-bagong auto
Marami nang pera, nanalo pa sa lotto
Walang kumakalaban at lahat bumibilib
Hindi naghihintay, hindi naiinip
Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko
Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal
Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kanal
Tinulungan ko, kawawa naman kasi
'Di na nya makita limang pisong pambili
Ng suka na gagamitin ng kanyang inay
Para may sawsawan ang kanyang masibang itay
Salamat ha, ang bait mo pala
'Pag dating sa kanila
Ako lang ang 'di pinakilala sa kapatid nyang si Girlie
At sa pinsang si Debbie
Gulung-gulo at ako ay hindi mapakali
Para bang ang lahat ng mata'y sa 'kin nakatingin
At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin
Kasi ba naman parang walang malabong nangyari
Sa 'min nitong mga kaharap kong panalong babae